Ang Talasalitaan Kaugnay sa Pag-unawa ng Teksto

Lydia B. Liwanag, Ph.D.
Pamantasang Normal ng Pilipinas

Ang kakayahang bumasa at umunawa ng mga parirala, pangungusap o teksto ay mahalaga sa pagbasa. Higit pa rito, ang pag-unawa at angkop na paggamit ng mga salita ay mahalagang kasangkapan tungo sa mabisang pakikipagtalastasan. Ang pagkakaroon ng malawak na talasalitaan ay makatutulong sa pakikipag-ugnayan sa ibang tao, sa pagtatamo ng malawak na kaalaman, sa madaling pag-unawa ng lahat ng uri ng mga babasahin o teksto na kakaharapin ng isang mag-aaral sa pang-araw-araw na buhay.

Ang Talasalitaan at ang Pag-unawa

Sa mga pag-aaral na isinagawa sa pagbasa, napatunayan na may malaking pagkakaugnayan ang kaalamang pantalasalitaan sa pag-unawa sa teksto o anumang babasahin. Sina Anderson at Freebody sa kanilang lathalain na Vocabulary Knowledge (1981) ay nagbigay ng tatlong pananaw o posisyon sa ganitong pag-ugnayan ng talasalitaan at pag-unawa.

Isang posisyon ay ang tinatawag na pangkagamitang posisyon (instrumentalist position) na kung saan dapat na pag-aralan nang tuwiran ang mga talasalitaan ng mga estudyante sa halip na hayaan lamang silang matutunan ito sa pagbabasa. Ang ikalawang posisyon ay ang pangkakayahang posisyon (aptitude position) na kung saan ang mga estudyante ay magkakaroon ng malawak na kaalamang pantalasalitaan sa pamamagitan ng malawakang pagbabasa. Kaya iminumungkahi ng mga nagtataguyod ng posisyong ito na nararapat na magkaroon ang mga estudyante ng maraming pagkakataon sa pagbabasa at pagsasanay sa pagkilala ng mga salita. Ang ikatlong posisyon ay ang pangkaalamang posisyon (knowledge position) na sinasabing ang pagkakaroon ng kakayahang pantalasalitaan at pag-unawa ay dulot ng malawak na kaalaman tungkol sa sariling kapaligiran at kultura. Ito ay ang pagkakaroon ng mga batayang kaalaman at konsepto na ginagamit ng isang estudyante sa pag-unawa sa mga salita, sa kabuuan ng teksto. Kaya upang mapalawak ang talasalitaan ng mga mag-aaral, nangangailangan na magkaroon sila ng sapat na mga karanasan na pag-uusapan at maisusulat nang sa gayon ay mapauunlad ang mga konsepto at kaisipan nila na magagamit sa pag-unawa ng nilalaman ng teksto. Ang ikaapat na posisyon na idinagdag ni Frank May (1986) ay ang tinatawag niyang interaktib na posisyon. Ito ang pag-uugnayan ng mga sistema ng palatandaan o hudyat (cueing systems) sa teksto na siyang nagdudulot ng mabisang pag-unawa. Ang mga palatandaang ito ay: a) palatandaang grapoponiko na nauukol sa tunog na bumubuo sa mga salita; b) palatandaang sintaktiko (syntactic cues) na nauukol sa pagkabuo o kayarian ng mga salita; c) palatandaang semantiko (semantic cues) na nauukol sa kahulugan ng salita ayon sa pagkakaugnay nito sa iba pang salita; d) at palatandaang iskematic (schematic cues) na nauukol sa pag-uugnay ng sariling karanasan sa binabasa. Sa ganitong posisyon, pinabubulaanan nito ang dating kaisipan tungkol sa pag-unawa na kaya lamang nauunawaan ng isang magbabasa ang binabasa kung siya ay may malawak na talasalitaan. Ipinakikita nito na ang isang nagbabasa ay gumagamit ng apat na palatandaang ito sa pag-unawa ng binabasa o ng mga salita.

Mga Istratehiya sa Pagpapalawak ng Talasalitaan

Narito ang ilang paraan o istratehiya na makatutulong sa pag-unawa at pagpapalawak ng talasalitaan ng mga estudyante.

  1. Pagsusuring Pangkayarian. Nauunawaan ang isang salita sa pamamagitan ng mga bahagi nito tulad ng salitang ugat, mga panlapi, paraan ng pagkabuo ng salita tulad ng pag-uulit ng pantig, salita at pagtatambal.

Halimbawa:
Ibigay ang kahulugan ng mga salitang ito ayon sa panlaping ginamit o paraan ng pagkabuo.

nabubuhay binuhay nabubuhay
kabuhayan buhay-buhay buhay alamang

  1. Paggamit ng mga Palatandaang Nagbibigay-Kahulugan (Context Clues) – Ang mga palatandaan o pahiwatig ay nakikita sa pamamagitan ng pagsusuri at pag-uugnay ng mga salitang sinusundan o sumusunod sa di-kilalang salita. Iba’t ibang paraan ang ginagamit sa pagbibigay pahiwatig sa kahulugan ng salita.

    1. Sa pamamagitan ng kasingkahulugan ng salita na napapaloob din sa pangungusap.

Halimbawa:
Masarap mamuhay sa bansang may kasarinlan na kung saan may kalayaan ka sa pagkilos at pagsasalita.

    1. Sa pamamagitan ng kasalungat na kahulugan ng salita.

Halimbawa:
Masugid si Renato na makatapos ng hayskul ngunit tila matamlay naman ang kanyang ama na tustusan siya dahil sa kakulangan ng salapi.
    1. Sa pamamagitan ng katuturan ng salita.

Halimbawa:
Ipinamalas ng mga tao sa EDSA ang marubdob o matinding pagnanasa na magkaroon ng kalayaan.

    1. Pag-uugnay sa sariling karanasan. Nakikilala ang bago o mahihirap na salita sa pamamagitan ng pag-alala sa mga naging karanasan.

Halimbawa:
Dahil sa bahang dala ng bagyong si Sisang, inilikas sa ligtas na pook ang mga tao sa aming lugar.

    1. Ayon sa sitwasyong pinaggamitan ng salita. Dito nauunawaan ang salita ayon sa mga pangyayari o sitwasyon na kaugnay nito.

Halimbawa:
Pinag-iibayo ng pangulo ang kampanya laban sa lumalaganap na kilusan ng mga pangkat laban sa pamahalaan. Itinaas niya ang moral at sahod ng mga kawal.

    1. Sa pamamagitan ng buod o lagom ng binasa.

Halimbawa:
Naranasan niya ang matinding kahirapan noong siya ay bata pa. Salat na salat silang mag-anak sa pagkain, damit at maayos na tirahan. Mula siya sa isang maralitang mag-anak,

    1. Sa pamamagitan ng halimbawa.

Halimbawa:
Maiiwasan ang sigalot tulad ng patayan, nakawan, awayan kung ang mga mamamayan ay matututong kumilala sa Diyos at magmahal sa kapwa.

    1. Sa pamamagitan ng pormal na depinisyon ng salita.

Halimbawa:
Mahilig tayo sumulat ng sanaysay. Ito ay isang kathang tuluyan na naglalahad ng kaalaman, kuro-kuro at damdamin ng sumulat.


    1. Sa pamamagitan ng paglalarawan.

Halimbawa:
Sa kabuuan ng kanyang mukha. Sa mga mata niya at sa nagbabagong pangangatawan, sa balat niyang manilaw-nilaw at pinamumutukan ng maraming tagiyawat. Ang mga ito ay naglalarawan na siya ay lumipas na sa pagiging musmos.
    1. Sa pamamagitan ng pahiwatig na tono o damdamin.

Halimbawa:
Mula sa kusina, ang tibok ng aking puso ay nakipag-unahan sa aking mga hakbang. At ang aking agam-agam ay napawi nang makita ko siya sa sala.

  1. Pag-uugnayan ng mga Salita (Word Association)
Hindi lamang kayarian at gamit ng mga salita ang dapat na pag-aralan upang mapalawak ang talasalitaan. Kailangan ding makita at masuri ang kaugnayan ng mga salita sa iba pang salita o ideya upang magkaroon ng kabuuang pananaw sa kahulugan nito.

Narito ang ilan sa mga paraan na magagamit ng mga estudyante upang lalo pang lumawak ang mga batayang salita.

1. Pagsasama ng salita sa iba pang salita upang makabuo ng ibang kahulugan (collocation). Nabibilang dito ang mga matalinhagang salita o parirala. Sa pag-unawa ng mga salitang ito kailangang malaman muna ang payak na kahulugan ng mga salitang pinagsama pagkatapos ay ang iba pang kahulugan na ipinahihiwatig nito.


Halimbawa: puso = bahagi ng katawan ng tao
Bato = matigas na bagay
Pusong bato = matigas ang puso o sa tunay na kahulugan ito ay naglalarawan ng taong hindi marunong mahabag o maawa.

2. Pagbibigay ng iba pang salita na halos kapareho rin ng kahulugan ng pangunang salita. (clustering)

Halimbawa: Anu-ano ang iba pang salita na maaaring ipalit sa salitang tingnan?

TINGNAN


3. Pagkilala ng pagkakaugnayan ng mga salita ayon sa antas o tindi ng kahulugan na ipinahahayag (clining). May mga salita na ginagamit ayon sa tindi ng damdamin na nais ipahayag. Halimbawa, hindi maaaring sabihin nagalit ka kung naiinis ka lamang. Pansinin ang ayos ng mga salita ayon sa tindi ng damdaming ipinahahayag sa haba ng panahon.

Damdamin: inis, yamot, suklam, galit
Panahon: noon, ngayon, bukas, sa isang buwan, kamakalawa, mamaya

4. Pagpapangkat ng mga salita ayon sa antas ng paggamit o pormalidad ng gamit nito (level of formality). May mag salitang ginagamit sa mga di-pormal, pormal na kalagayan o sa pangkalahatan.

Halimbawa: Ang iba pang salita na itinatawag sa kasama ay maaaring pangkatin ayon sa paggamit sa sitwasyon na maaaring:

PORMAL DI-PORMAL o NEUTRAL

kapanalig kabagang kaibigan

kaanib abay kasama

katoto utol kaakbay

5. Pagpapangkat ng mga salita ayon sa punong salita o paksa (classification).

Halimbawa: Panlasa – mapait, matamis, maanghang, matabang

Kilos – mabagal, mabilis, maliksi, makupad, dahan-dahan

6. Pagbibigay ng mga salitang kaugnay sa isang paksa o ideya (association or word network). Ang mga salitang nauugnay sa isang paksa o bagay ay naaayon sa karanasan o nakaraang kaalaman.
Halimbawa:


7. Paggamit ng Semantic Mapping – ito ay isang paraan ng pagpapalawak ng kahulugan ng isang salita sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga kategorya ng salita na nauugnay rito. Ito ay nababatay sa panuntunan na ang mga bagay na natututuhan ay kaugnay ng mga karanasan at dati nang alam.

Halimbawa:


PAG-IBIG


Mga Pagsasanay sa Talasalitaan

  1. Bumuo ng mga salita mula sa mga sumusunod na salitang-ugat sa tulong ng iba’t ibang panlapi. Gamitin ang mga salitang nabuo sa pangungusap.

    1. sulat
    2. aral
    3. guhit
    4. sunod
    5. sama


  1. Bumuo ng salitang tambalan mula sa sumusunod na salita. Ipaliwanag ang kahulugan ng nabuong tambalang salita.

a. ulo
b. kamay
c. isip
d. tao
e. yaman


3. Magbigay ng iba pang salita na kapareho ng kahulugan ng salitang dala (to bring). Sundan ang halimbawa.




4. Isulat ang mga kaugnay na salita ng pangunahing salita.

a. Demokrasya
b. Kalikasan
c. Pagbabago
d. Kaligayahan
e. Pananampalataya

5. Ibigay ang mga salitang nabibilang sa sumusunod na kategorya.

a. damdamin

b. pagdiriwang
c. libangan
d. katubigan
e. wika


6. Ihanay ang mga salita ayon sa tindi ng damdamin na nais ipahayag.

masaya ubod ng saya napakasaya

di gaanong masaya masaya-saya walang pagsidlan sa saya


7. Ibigay ang pormal, di-pormal o neutral na salita ayon sa antas ng gamit.

PORMAL NEUTRAL DI-PORMAL

a. _ kababayan _
b. kamag-aral _
c. delegado _
d. _ biyahe


Mga Sanggunian

Brassell, Danny and Flood, James. 2004 Vocabulary Strategies Every Teacher Needs to Know. Holden Color, Simi Valley, California, USA

O’Conner, Rollanda E. 2007 Teaching Word Recognition. The Guilford Press. New York.
Ang Paggamit ng Literatura sa Pagtuturo ng Nilalaman
Galileo S. Zafra, PhD
Unibersidad ng Pilipinas, Diliman
*
Sasagutin ang dalawang tanong:
Una, paano magagamit ang kasaysayan sa pagtuturo ng panitikan?
Ikalawa, paano magagamit ang panitikan sa pagtuturo ng kasaysayan?

*
Gabay na tanong sa kabanatang “Sa Gubat na Mapanglaw” mula sa isang teksbuk ng Florante at Laura:

1. Ano-anong palatandaan ang nagpapahiwatig ng kapanglawan ng gubat?
2. Saan matatagpuan ang gubat? Ano-anong lugar ang nakapaligid dito?
3. Sino ang nasa loob ng mapanglaw na gubat? Ilarawan siya.
4. Gumamit si Balagtas ng alegorya—mga tauhan at pangyayaring sumisimbolo sa ibang bagay upang makalusot sa mga sensor ang kaniyang akda. Ano ang ibig ipahiwatig ng mga sumusunod na simbolong ginamit ni Balagtas: sipres at higera, tigre, ahas, Adonis, Aberno?

Mga tanong sa kabanatang “Ang Pagliligtas sa Lalaking Nakagapos”:
1. Anong magandang ugali ang ipinakita ng gerero sa araling ito?
2. May maibibigay ka bang kasabihan, salawikain o quotation na aangkop sa katauhan ng gerero?


*Pagbasa ayon sa MGA KONTEKSTO

Ano ang konteksto?

· Ayon sa New Oxford Dictionary (1998), tumutukoy ang salitang konteksto sa “circumstances that form the setting for an event, statement, or idea, and in terms of which it can be fully understood and assessed.”

· Hindi iisa kundi may iba’t ibang konteksto.

· Tumutukoy ito sa kung ano ang kasama sa paglikha at pagtanggap ng teksto sa halip na kung ano lamang ang nasa loob ng teksto.

*May apat na konteksto na pinakamahalaga sa pagbabasa ng mga akdang pampanitikan:

1. Konteksto ng awtor
2. Konteksto ng teksto
3. Konteksto ng wikang pampanitikan
4. Konteksto ng mambabasa

*
May Bagyo Ma’t May Rilim
“Una tagala persona”

May bagyo ma’t may rilim,
ang ola’y titigisin,
ako’y magpipilit din:
aking paglalakbayin,
tuluyin kong hanapin
Diyos na ama namin.

Kung di man magupiling
tuksong mabaw-mabawin,
ako’y mangangahas din:
itong libro’y basahin
at dito ko hahanguin
aking sasandatahin.

Kung dati mang nabulag,
ako’y pasasalamat
na ito ang liwanag:
Diyos ang nagpahayag
sa Padreng nagsiwalat
nitong mabuting sulat.

Nagiwa ma’t nabagbag
daluyong matataas,
ako’y magsusumikad,
babaguhin ang lakas:
dito rin hahagilap
timbulang ikaligtas.

Kung lumpo ma’t kung pilay,
anong di ikahakbang;
na ito ang aakay,
magtuturo ng daan;
tungkod ay inilaang
sukat pagkatibayan. (1605)

*Konteksto ng Awtor—tumutukoy sa kasaysayan ng awtor at ng kaniyang panahon
1. “Una tagala persona”; walang tiyak na pangalan
2. Ayon kay Lumbera, isa itong “unfortunate omission” ni Fray Francisco Blancas de San Jose dahil isa pa naman itong “fine specimen of early Tagalog poetry”
3. Bakit hindi siya nagpakilala?

Konteksto ng Teksto—tumutukoy sa kasaysayan ng pagkabuo ng akda
1. Unang halimbawa ng nakasulat na tula na sinulat ng isang katutubong Tagalog
2. Lumitaw kasama ang auit ni Francisco Blancas de San Jose at romance ni Fernando Bagongbanta na kapuwa nasa Memorial dela vida christiana (ni San Jose)

Konteksto ng Wikang Pampanitikan—tumutukoy sa katangian ng akda
1. Tinatawag na “complimentary verse”—pagpuri sa isang aklat na nasa unahan o hulihan ng aklat; sinasabing palasak ang ganitong praktis noong siglo 16-17
2. Tumatalakay sa merito ng akda ni San Jose gamit ang mga talinghaga
3. Gumamit ng mga talinghaga para purihin ang akda ni San Jose; ano-ano ang mga talinghagang ito? Sandata, liwanag, timbulan, tungkod
4. Bagaman kristiyano ang tema, mababakas dito ang katangian ng katutubong tula: gamit ng pipituhing sukat, gamit ng talinghaga

Konteksto ng Mambabasa—tumutukoy sa karanasan ng mambabasa sa proseso ng pagbabasa
1. Ano ang pinagmumulan ng mga reaksiyon ninyo matapos mabasa ang tula?

*Mga Posibleng Pagbasa sa Tula

1. Ang tula ay nilikha para purihin ang aklat ni San Jose.
2. Ang tula na nilikha para purihin ang aklat ni San Jose ay maaaring sinulat din ni San Jose mismo.
3. Ang tula, bagaman, pumupuri sa aklat ni San Jose ay pumupuna rin sa karahasan ng pananakop ng mga Kastila.

*Gabay na tanong sa bawat konteksto

Ang Konteksto ng Awtor
· Ano-ano ang mga datos tungkol sa buhay, pagpapahalaga, kasarian, lahi, uri ng awtor?
· Ano ang mga paniniwalang laganap sa kultura sa panahong nabuhay ang awtor? Naimpluwensiyahan ba o hinamon ito ng awtor?
· Ano-ano ang panlipunan, pampolitika, at pang-ekonomiyang isyu o pangyayari sa panahong ito?

Ang Konteksto ng Teksto
· Ano ang kasaysayan ng pagkalathala ng akda? Hal. may iba’t ibang bersiyon ba ito; salin lang ba; bahagi ba ito ng isang serye o ng isang mas malawak na akda?
· Ano-ano ang mga pinagmulan (sources) ng teksto?
· May relasyon ba ang teksto sa iba pang teksto? Umaalingawngaw ba rito ang wika o ang mga idea ng ibang teksto?
· Ano ang kasaysayan ng pagtatanghal o paglaganap, at sino ang madla o mambabasa ng akda?

Ang Konteksto ng Wika
· Anong kumbensiyong pampanitikan ang sinusunod ng teksto at paano ito makikilala ng mambabasa?
· Paano nakaaapekto sa pagbabasa ang iba’t ibang lingguwistikong katangian ng teksto?
· Paano matatalakay ang tanong na “Paano gumagana o nagkakabisa ang teksto?”

Ang Konteksto ng Mambabasa
· Ano ang mga dati mo nang karanasan sa pagbabasa?
· Paanong nakaaapekto ang sarili mong pagpapahalaga, paniniwala, kasarian, uri, edad sa pagbabasa mo ng teksto?
· Paano ka naaapektuhan ng mga politikal at ekonomikong isyu ng iyong panahon sa iyong pagbabasa?

*
Sipi mula sa “Compendio del Arte de la lengua tagala” (Hinggil sa Sining ng Wikang Tagalog) ni Fray Gaspar de San Agustin na isinulat noong 1703:

Ang tulang Tagalog ay hindi kasinghirap ng inaakala ng iba. Hindi ito kasinghigpit ng Latin, kapag ang pinag-uusapan ay bilang ng gitna at huling pantig: ni wala itong sinisunod na alintuntunin sa sapilitang gamit ng katinig, tulad ng Kastila. Ni wala itong iba’t ibang sukat na tulad ng dalawang nabanggit. May katangian lamang ito ng tinig at pagkakatulad ng mga huling kataga, at ito ang tinatawag na tola.

Sipi mula sa “Arte metrica del tagalog” (Ang Sining ng Tugma at Sukat sa Tagalog) ni Jose P. Rizal:

Ang Tagalog, gaya ng karamihan ng mga wika, ay gumagamit sa mga tula ng sukat ng mga pantig, ng tugma, at saknong…. Ang mga sukat na lalong gamitin ay binubuo ng aanimin, pipituhin, wawaluhin, at lalabindalawahing pantig; mayroon din namang mga tulang sisiyamin at sasampuing pantig, bagaman bihira ang mga ito, halos ginagamit lamang sa mga panulaan o bugtungan. Ang tulang lalabindalawahing pantig, na siyang lalong gamitin, lalo na sa mga tulang pormal, ay may hati sa pagitan ng ikaanim at ikapitong pantig…. Sa Tagalog, ang mga salita ay may sariling paraan ng tugma at naiiba kaysa sa ibang wika: Ang Tagalog ay nanghahawak sa huling pantig, maging ito’y may tuldik o wala. Dahil dito, kinikilala lamang ng mga Tagalog ang labindalawang uri ng tugma: anim para sa mga salitang nagtatapos sa patinig, at anim para sa mga nagtatapos sa katinig.

*Mga Posibleng Tanong:
1. Ano ang sinasabi ng dalawang sipi?
2. Paano nagkakaiba ang nilalaman ng dalawang sipi?
3. Paano ilalarawan si San Agustin at Rizal? Ano ang alam natin sa kanilang dalawa? Kailan sila nabuhay?
4. Bahagi ba ang mga akdang sinulat ng iba pang akda na sila rin o mga kapanalig nila ang sumulat?
5. Bakit gayon na lamang ang pagkakalarawan ni San Agustin sa panulaang Tagalog? Bakit naman naiba ang pagkakalarawan ni Rizal?
6. Ano kaya ang mga salik na humugis sa mga akda nina San Agustin at Rizal?


*
Pagbasa sa “Lupang Hinirang”

Karaniwang pagbasa sa pambansang awit
1. tuwirang pagbanggit sa “bayang magiliw,” “lupang hinirang,” “buhay ay langit sa piling mo”
2. pagturing sa bayan bilang “perlas ng silangan” at pagtukoy sa mga likas na yaman nito gaya ng dagat, bundok, simoy, langit na bughaw
3. pagpapahiwatig sa kasaysayan ng kabayanihan gaya sa mga taludtod na “sa manlulupig/di ka pasisiil,” “paglayang minamahal,” “tagumpay na nagniningning”
4. pagpapahayag ng pag-aalay ng buhay sa huling dalawang taludtod: “aming ligaya na pag may nang-aapi/ang mamatay ng dahil sa iyo.”

*
Narito ang ilang impormasyon tungkol sa kasaysayan ng ating pambansang awit.

1. Nagsimula ito bilang komposisyong pangmusika lamang na nilikha ni Julian Felipe—ang “Himno Nacional Filipino.”
2. Ang unang pahina ng manuskrito ay may pamagat na “Marcha Filipina Magdalo” bilang pagpupugay kay Emilio Aguinaldo na gumamit ng Magdalo bilang pangalan sa Katipunan.
3. Si Aguinaldo ang humiling kay Felipe na lumikha ng isang marcha nacional.
4. Noong Hunyo 12, 1898, proklamasyon ng independensiya ng Pilipinas unang tinugtog ang marcha sa publiko.
5. Ang mga titik naman ng pambansang awit ay sinulat ni Jose Palma at may pamagat itong “Filipinas.”

6. Una itong inilathala noong Setyembre 3, 1899 sa La Independencia. Narito ang mga titik ng “Filipinas”:

Filipinas

Tierra adorada
Hija del sol de Oriente
Su fuego ardiente
En ti latiendo esta.

Tierra de amores
Del heroismo cuna,
Los invasores
No te hollaran jamas.

En tu azul cielo, en tus auras,
En tus montes y en tu mar,
Esplende y late el poema
De tu amada libertad.

Tu pabellon que en las lides
La victoria ilumino
No vera nunca apagados
Sus estrellas y su sol.

Tierra de dichas, s sol y amores
En tu regazo dulce es vivir:
Es una gloria para tus hijos
Cuando te ofenden por to morir!

Literal na Salin


Lupang ginigiliw/minamahal
Anak ng araw ng silangan
Ang maalab na apoy
Tumitibok sa iyo.

Lupa/bayan ng pag-ibig
Duyan ng kabayanihan
Ang mananakop/manlulupig
Hindi na yuyurak sa iyo.

Sa iyong bughaw na langit,
Sa iyong mga bundok at sa iyong dagat
Nagniningning at tumitibok ang tula
Ng minamahal na kalayaan.

Ang watawat mong sa digmaan
Ay nagpaningning ng tagumpay
Kainlanman ay hindi magdidilim
Ang kaniyang bituin ni ang kaniyang araw.

Lupa ng kaligayahan, ng araw at ng pag-ibig
Matamis/masarap ang mabuhay sa iyong kandungan
Kaluwalhatian para sa iyong mga anak
Kapag may nanakit sa iyo, ang mamatay para sa iyo.


1. Sa mga unang taon ng pananakop ng Amerikano, ipinagbawal ang pagpapatugtog ng pambansang awit. Kasabay ng pagpapatupad ng Flag Law noong Setyembre 6, 1907 na nagbabawal sa paglaladlad ng watawat sa publiko, pinalitan ng “Star Spangled Banner” ang pambansang awit ng Pilipinas. Nang lumaon, pinahintulutan na rin ang pagpapatugtog at pag-awit ng pambansang awit sa kondisyong gagawin ito pagkatapos tugtugin o awitin ang pambansang awit ng kolonisador.
2. Noong dekada 1920, kinomisyon ng mga Amerikano sina Camilo Osias at M.A.L. Lane upang isalin ang titik ni Palma sa Ingles. Narito ang salin:

Land of the Morning


Land of the morning
Child of the sun returning
With fervor burning
Thee do our souls adore.

Land dear and holy
Cradle of noble heroes
Ne’er shall invaders
Trample thy sacred shore.

Ever within the skies
And through the clouds
And o’er thy hills and sea
Do we behold the radiance
Feel the throb of glorious liberty.

Thy banner dear to all our hearts
Its sun and stars alight
O never shall its shining field
Be dimmed by tyrant’s might

Beautiful land of love
O land of light
In thine embrace
‘tis rapture to lie
but it is glory ever when thou art wronged
for us thy sons to suffer and die.

1. Ang saling ito ang ipinaturo sa mga pampublikong paaralan at ipinalaganap sa Book Five ng The Philippines Reader na sinulat din ni Osias.
2. Noong Pebrero 14, 1948, naglabas ng sirkular ang Kawanihan ng Pampublikong Paaralan. Laman nito ang bagong bersiyon ng pambansang awit na isinalin sa pambansang wika. Ang salin ay nakabatay sa dati nang salin na ginawa nina Julian Balmaseda, Ildefonso Santos, at Francisco Carballo. Ibig sabihin nito, bago pa man lumabas ang kautusan ng Kawanihan, may ilang pagsisikap nang isalin ang pambansang awit sa Pilipino bagaman ang kauna-unahang opisyal na patakaran para ituro ang pambansang awit sa wikang pambansa ay noon lamang 1948.

Salin ng 1948


O sintang lupa
Perlas ng Silanganan
Diwang apoy kang
Sa araw nagmula.


Lupang magiliw
Pugad ng kagitingan
Sa manlulupig
Di ka papapaslang.

Sa iyong langit, simoy
Parang, dagat, kabundukan
Laganap ang tibok ng puso
Sa paglayang minamahal.

Watawat mong mahal
Sagisag ng ningning ng tagumpay
Araw’t bituin n’yang maalab
Ang siyang lagi naming tanglaw.

Sa iyo, lupa ng ligaya’t pagsinta
Tamis mabuhay na kandong mo
Sa ami’y langit ding
Kung ikaw ay apihin
Ay mamatay ng dahil sa iyo.

Nagpalabas na muli ng kautusan ang Kawanihan noong Hunyo 22, 1956. Iniuutos nito ang pagtuturo sa lahat ng mag-aaral ng nirebisang bersiyon ng salin sa Pilipino ng pambansang awit. Ang nirebisang bersiyon ay pinamagatang “Lupang Hinirang” na siya nating inaawit hanggang ngayon.

Mga Salin sa Filipino Bago ang Salin ng 1948


Bago ang bersiyon ng 1948, tatlo ang kinikilalang salin sa Pilipino: salin ni Carballo, Santos, at Balmaseda. Nakuha ko ang salin nina Carballo at Santos ngunit mailap pa rin ang kay Balmaseda. Ikumpara natin ang mga salin:

Salin ni Francisco Carballo


O Filipinas
Perlas ng Silanganan
Tangi ka naming
Pinakamamahal.

Bayan ng pag-ibig
At ng kabayanihan
Ang manlulupig
Di ka mapapaslang.

Sa iyong langit, simoy, parang
Dagat at kabundukan
Laganap ang tibok ng hirang
At mithiin mong kalayaan.

Watawat mong mahal, sagisag na kinang ng tagumpay
Araw’t bituin n’yang maalab
Ay di na muling tatamlay.

Bayan ng araw at kaligayahan
Buhay, mairog sa yakap mo;
Ngunit l’walhati naming anak mong tanan
Ang mahimlay nang dahil sa iyo.

Salin ni Ildefonso Santos


O Sintang Lupa,
Perlas ng Silanganan
Diwang apoy kang
sa araw nagmula

Lupang magiliw,
pugad ng kagitingan
Sa manlulupig,
may pamuksang handa.

Sa dagat mo’t mga bundok, sabughaw mong papawirin
Kumikislap, pumipitlag ang layang di-magmamaliw


Watawat mong kung may digma
sa tagumpay pamanglaw rin
Kailanma’y di-lalamlam
ang araw niya’t bituin.


Sa iyo lupa ng ligaya’t pagsinta
Ay kay tamis ng mabuhay
Datapwa’t langit naming dahil sa iyo
Kung api’hi’y magpakamatay.

Salin ng 1948



O sintang lupa
Perlas ng Silanganan
Diwang apoy kang
Sa araw nagmula.

Lupang magiliw
Pugad ng kagitingan
Sa manlulupig
Di ka papapaslang.

Sa iyong langit, simoy
Parang, dagat, kabundukan
Laganap ang tibok ng puso
Sa paglayang minamahal.

Watawat mong mahal
Sagisag ng ningning ng tagumpay
Araw’t bituin n’yang maalab
Ang siyang lagi naming tanglaw.

Sa iyo, lupa ng ligaya’t pagsinta
Tamis mabuhay na kandong mo
Sa ami’y langit ding
Kung ikaw ay apihin
Ay mamatay ng dahil sa iyo.

*
Suriin naman natin ang salin sa Ingles:

Land of the Morning


Land of the morning
Child of the sun returning
With fervor burning
Thee do our souls adore.

Land dear and holy
Cradle of noble heroes
Ne’er shall invaders
Trample thy sacred shore.
Ever within the skies
And through the clouds
And o’er thy hills and sea
Do we behold the radiance
Feel the throb of glorious liberty.

Thy banner dear to all our hearts
Its sun and stars alight
O never shall its shining field
Be dimmed by tyrant’s might

Beautiful land of love
O land of light
In thine embrace
‘tis rapture to lie
but it is glory ever when thou art wronged
for us thy sons to suffer and die.

*
Ang pinakahuling opisyal na salin ng pambansang awit ay nagpapakita na ng ganitong tendensiya. Narito ang pinakahuling bersiyon:

Lupang Hinirang


Bayang magiliw
Perlas ng silanganan
Alab ng puso
Sa dibdib mo’y buhay.

Lupang hinirang
Duyan ka ng magiting
Sa manlulupig
Di ka pasisiil.

Sa dagat at bundok
Sa simoy at sa langit mong bughaw
May dilag ang tula
At awit sa paglayang minamahal.

Ang kislap ng watawat
Mo’y tagumapay na nagniningning
Ang bituin at araw niya kailan pa ma’y
Di magdidilim.

Lupa ng araw
Ng luwalhati’t pagsinta
Buhay ay langit sa piling mo.
Aming ligaya na pag may mang-aapi
Ang mamatay ng dahil sa iyo.

Ayon sa pananaliksik, ang mga sumusunod ay mga salik na nagpapahirap sa pagbabasa ng teksto sa lawak pangnilalaman:


1. Pagiging masinsin (compact) ng mga ideya
· Malaman

2. Mga konseptong malalim at mahirap unawain (load & depth)
· Gamit ng graf

3. Teknikal sa bokabularyo

4. Maikli at tuwirang estilo ng pagkasulat
· Haba at masalimuot na sintaktikang kaayusan ng pangungusap
· Masalimuot na bantas
· Koherens at pagkasunod-sunod ng ideya

5. Walang malinaw na antas ng kahirapan ng babasahin

6. Uri ng pagkalimbag

RIA: lzb
University of the Philippines Diliman

Pambansang Seminar-Worksyap sa Mga Makabagong Kalakaran
sa Pagtuturo ng Pagbasa
Pebrero 25-29, 2008
Lungsod ng Davao


Mga Antas ng Komprehensyon sa Pagbasa
Teresita F. Fortunato, PhD
Pamantasang De La Salle-Maynila

1. Introduksyon

Maaaring nababasa ng isang bata ang mga pahina ng isang libro, at dito masaya na ang guro. Sa marami, ang pag-unawa ng graphemes sa limbag na pahina at sa ponema ng pasalitang wika ay siya nang kabuuan ng pagbasa. Subalit, higit na maraming guro ang naniniwala na ang pagbasa ay sangkot hindi lamang ang simpleng uri ng decoding na ganito. Ang pagbasa para sa mga guro ay isang usapin ng pag-unawa at pagbibigay-kahulugan sa limbag na teksto, hindi lamang sa husay sa pagbasa nang malakas na pasalita.

At sa pagbasa, tiyak pasok ang nosyon ng literasi. Basta ba nakababasa, litereyt na ang isang tao? Tila ibang usapin ang pagiging litereyt na nauunawaan ang binasa at hindi basta lang nakababasa. Literacy, involves more than basic decoding skills; it requires that readers comprehend printed language and use it to infer, generalize, predict, and evaluate (Devine 1986).

Ang pagbasa ay ang ganap na pagtugon o respons ng isang tao - - pisikal, mental, emosyonal - - sa bawat simbolong nakalimbag. Sangkot ang kanyang saloobin sa binabasang teksto at pag-unawa rito. Sangkot ang buong personalidad niya. Nagsisimula ang gawain sa pangunahing sensori muna, pero higit ang pagbasa sa persepsyon. Hindi lang rekognisyon ng mga salitang gamit ang limbag na simbolo. Ito’y pag-uugnay ng mga graphic symbol sa kabuuan ng personalidad ng mambabasa. Nagrereakt ang mambabasa sa bawat salita na naeengkwentro niya sa mga pahina. Kaya lumalabas na ang pagbasa ay ang paghahatid ng kahulugan sa limbag na pahina (Roldan 1993). At ang pagbasa ay komprehensyon.

2. Definisyon ng Komprehensyon

Ang komprehensyon o pag-unawa sa iyong nabasa ay nangangahulugang naunawaan mo ang simbolong limbag na nasa harap mo (Roldan).
Narito sa ibaba ang iba’t ibang persepsyon sa komprehensyon sa pagbasa (Devine):

* Basta nababasa ang limbag na pahina ng teksto ipinalalagay na naintindihan na ito
* Kung naaalala (memory recall) ng mambabasa ang kanyang binasa, naiintindihan na rin niya ito
* Pagpapalagay na ang pang-unawa ay maihahambing sa leybeling; kaya kung kayang kategoryahin at lagyan ng leybel ang isang ideya, naintindihan ito
* Sa sirkular na paraan, ang komprehensyon ay “pagbasa para maunawaan”, “reading for understanding” is “reading for meaning”; at “reading for meaning” is “reading for comprehension”
* Pagkuha nang malinaw na pag-unawa sa binasa

Kaya ano talaga ang komprehensyon/pag-unawa?

Ang kawalan ng malinaw at tiyak na pag-unawa sa saklaw ng komprehensyon sa pagbasa ay nagiging problema sa guro sa pagdevelop at muling pakinisin ang mga espesipikong estratehiya sa pagtuturo.

Sa gitna ng problema sa pagbibigay-kahulugan sa komprehensyon at pagsukat ng komprehensyon sa pagbasa, marami nang lumabas na pag-aaral kaugnay ng kalikasan at proseso ng komprehensyon sa pagbasa. Ang mga espesyalista sa pagbasa at mga risertser ay may ugnayan sa cognitive psychologists at sikolinggwista para naeksplor ang larangan.

Binigyang-kahulugan ng RAND Reading Study Group (Sweet at Snow 2003) ang reading comprehension na proseso nang sabay na extracting at constructing ng kahulugan. Kaya narito ang dalawang hamon: kung paanong ang limbag ay kumakatawan sa salita at nagkakaroon ng pagsasalin mula limbag tungo sa tunog nang wasto (extracting), at sa sabay na pagkakataon ay pagbalangkas ng representasyon ng impormasyong inilalahad na nangangailangan ng pagbuo ng bagong kahulugan at mapagsama ang bago sa lumang impormasyon (constructing meaning).

Nangangailangan ng tatlong (3) elemento ang komprehensyon:
· ang mambabasa na umuunawa
· teksto na inuunawa
· aktibidad na bahagi ang komprehensyon
Sa pagbubuo, ang komprehensyon ay isang prosesong aktibo, constructive, nakatutulong, nakabubuo; isang prosesong pangkaisipan, BAGO, HABANG at PAGKATAPOS magbasa; at dinamikong interaksyon ng elemento sa itaas (mambabasa-teskto-konteksto).
Pagbasa natin, makikitang ang komprehensyon natin ay nasa iba’t ibang level na kinilala ng mga espesyalista sa larangan. Nagbigay sila ng mga pag-uuri sa antas ng komprehensyon, gayundin ang mga problemang kinakaharap sa pag-abot nito.
3. Level/Antas ng Kahirapan sa Komprehensyon

Ang komprehensyon o ang pag-unawa sa isinulat ng isang awtor, ay nagaganap sa iba’t ibang level ng kahirapan ayon sa kalikasan ng materyal at ang mga layunin isinet sa pagbabasa.

Tinukoy ni Horn (sa Zintz 1976) na ang batang lalaki at babae ay “nakakaunawa sa iba’t ibang level” sa kontent ng kanilang binabasa. Mayroong inilarawan si Horn na apat (4) na tipo ng mambabasang may kahinaan sa komprehensyon:

· ‘Yung nakakaunawa lamang ng maliit na porsyon ng mga ideya na nasa seleksyong binabasa
· ‘Yung nakasasagot lamang sa mga tanong pangkomprehensyon sa pamamagitan ng mga sagot na salitang nasa teksbuk, verbatim o bahagyang habang talatang sagot nang walang pag-unawa sa kahalagahan ng mga ito
· ‘Yung walang overt o lantad na tugon o nagsasabing “hindi ko alam”
· ‘Yung nagbibigay ng sagot na interpretiv na medyo mali o ganap na mali
Ito ang medyo madilim na senaryong nagiging hamon sa ating lahat, di ba?
4. Mga Antas ng Komprehensyon

Iba’t ibang klasipikasyon ng komprehensyon ayon sa antas, kasanayan ang naibahagi ng mga eksperto sa pagbasa.

4.1 Devine

Naglista si Zintz (sa Devine) ng dalawang malalaking grupo ng kasanayang komprehensyon: (1) literal o pre-interpretive, at (2) interpretive. Ang kakayahang kritikal na pagbasa ay ang aplikasyon ng mga kasanayang ito sa pagbabasa at aplikasyong pagpapasya, evalwativ, at selective skills habang nagbabasa.

Ang literal na komprehensyon ay nangangailangan ng basikong kasanayan sa pag-unawa ng bokabularyo, pag-alaala at paggamit kung ano ang binasa, paghanap ng detalye, pagsunod ng direksyon at pag-unawa sa organisasyon ng talata, pagkuha ng mga kahulugan.

Komprehensyong literal ang pagkuha ng kahulugan mula sa konteksto sa pamamagitan ng kakayahang makuha ang pangunahing ideya, paglalagay sa mga ideya sa tamang pagkakasunud-sunod sa pagsasalaysay ng kuwento o paghanap sa mga pertinenteng impormasyon sa mga talata sa pagsagot sa mga tanong.

Kabilang naman sa kasanayang interpretiv ang pag-aaral sa pagkuha sa kahulugan, pagkuha ng hinuha, pagbuo ng mga paglalahat, at pagpili ang evalwasyon. Nasa ibaba ang listahan ng mga kasanayang pangkomprehensyon:

1. Literal na Komprehensyon
A. Kasanayang Fundasyonal
1. Pagpapalawak sa konseptong bokabularyo
Paggamit sa kabuuan ng pangungusap sa pagdetermina ng kahulugan
Pagtatapat ng kahulugan sa mga salita
Paglalagay sa mga salita sa kategorya
Pagpili ng mga sinonimo
Pagkilala sa sekwens ng ideya sa loob ng isang pangungusap
Pagdetermina kung ang pangungusap ay nagpapaliwanag ng BAKIT,
KAILAN, SAAN
2. Pagkuha at pag-aalaala sa mga detalye
3. Pag-unawa at pagsunod sa direksyon
4. Pag-unawa sa organisasyon ng talata
B. Pagkuha ng kahulugan mula sa konteksto
1. Pagbasa para hanapin ang mga sagot
2. Paghanap sa pangunahing ideya sa isang talata o sa isang kuwento
3. Paglalagay sa mga ideya sa tamang pagkakasunud-sunod sa isang kuwento
11. Kasanayang Interpretiv

A. Pag-alam sa makukuhang kahulugan

1. Prosidyur na Cloze

2. Paghula kung ano ang susunod na mangyayari

B. Paggawa ng hinuha

C. Pagbuo ng paglalahat

D. Pagpili at Pag-evalweyt

1. Katotohanan vs. pantasya

2. Pagpili ng materyal na kaugnay sa isang paksa

3. Eksaherasyon o walang batayang pahayag

4. Paghusga sa tugong emosyonal sa nabasa

4.2 Tatlong level / antas

Ang ganitong pagkakategorya, ang paniniwala sa espesipikong kasanayang pangkomprehensyon ay nagbunsod ng pagsasaayos ng kasanayang pangkomprehensyon sa iba’t ibang hirarkiya ayon sa level ng komprehensyon. Kaya ang iba ay grinupo sa ilalim ng literal (ang pinakamababa) o ‘on the line’ na uri ng kasanayang pangkomprehensyon; ang iba ay bilang inferential o ‘between lines’ and ang ilan pa rin ay bilang critical o ‘beyond the lines’ (Devine).

Ang ganitong order na maihahambing sa taksonomi ng layuning edukasyonal na binuo ni Bloom (1956) ay maaaaring makatulong sa mga guro sa paghahati-hati ng mga hanguan ng komprehensyon sa tatlong mahahalagang komponent: (1) nakapag-iisip silang literal na na-eekstrak o nakukuha mula sa impormasyong eksplisit sa teksto, (2) ng inferensyal na komprehensyon na kuha/hango mula sa impormasyong implisit sa teksto at (3) ng kritikal na komprehensyon na kuha mula sa dating kaalaman ng mambabasa.

Ang komprehensyon ay ang produksyon ng mga ideya mula sa limbag, sa halip na pagmememorya ng detalye.

Isang aspektong sangkot sa pagpapabuti ng komprehensyon ay ang pag-alam sa tatlong (3) level ng pag-unawa (Roldan).

Level 1 - - reading the lines / on the line o literal na uri ng komprehensyon kumbaga, ang komprehensyong sangkot ay surface meanings. Ang mambabasa sa level na ito ay humahango ng kahulugan mula sa pagkakasunud-sunod ng mga salita at ang gramatikal na relasyon sa isa’t isa ng mga pangungusap, talata at kabanata. Kinokombert niya ang isipan ng awtor sa kanyang sariling salita, at iniuugnay niya ang mga ito sa sariling karanasan. Ang mga impormasyon at ideyang nakahayag nang eksplisit sa teskto ay nauunawaan.

Natamo ang ganitong level ng komprehensyon kung nagagampanan ng estudyante ang mga sumusunod:

· Nakikilala ang pangunahing diwa ng isang talata at nakilala ang mga suportang detalye
· Nasusundan ang mga argumento ng awtor
· Natutuklasan ang tema, kasukdulan at resolusyon ng isang kuwento
· Natutukoy ang mga paglalahat at kongklusyon ng awtor
· Nailalarawan sa isip ang mga tauhan, tagpuan, pangyayari sa isang akdang fiksyon
Level 11 - - pagbasa sa pagitan ng mga linya, “reading between the lines’ o ‘inferential’ o pagbasa nang may mas malalim ang pag-unawa sa kahulugan dito.

Natamo ang kasanayang ito kung taglay ng estudyante ang mga sumusunod na kakayahan:

· Nahihinuha ang layunin ng awtor, bigyan ng interpretasyon ang kaisipan niya at magbigay ng hatol sa kanyang pahayag
· Nakikilala kung alin ang katotohanan ‘fact’ at opinyon
· Naiinterpret ang mga klu sa tauhan at banghay
· Napaghahambing ang ideya ng awtor sa sariling ideya ng mambabasa
· Natsetsek ang sorses ng awtor, ikonokonsidera ang kompetens niya sa paksa ng teksto
· Nakikilala at naiinterpret ang mga tayutay tulad ng metafora at ironya
Level 111 - - pagbasa “beyond the lines”, itinuturing ito na pinakamahirap na task sa komprehensyon dahil sangkot dito ang mga teknik kritikal at malikhaing pagbasa, at may evalwasyon na ng mga ideya at impormasyong nasa teksto. Inaasahang magagawa ng mambabasa ng mga sumusunod:

· Nakikilala ang mga implikasyon
· Nahuhulaan ang magaganap
· Nakabubuo ng mg akongklusyon na hindi inihahayag ng awtor
· Naiaayos ang mga ideya ng awtor sa bagong padron, napalalaki ang lawak o napagsasanib ng mga ito sa sariling ideya ng mambabasa
· Nasusuri at nagagawan ng sintesis ang mga isipan ng awtor sa paraang naibibigay ng mambabasa ang orihinal na pananaw ‘insight’ sa kondisyong pantao, ang kalikasan ng mundo, ang kahulugan ng buhay, atb.
Nakakalugod ang tipong ito ng pagbasa, kapag nakalilikha ng bagung-bago mula sa interaksyon ng mga ideya - - sa mambabasa at sa awtor. Napagtatagni ng mambabasa ang mga ideya sa konteksto na nakalimita sa layuning ng mambabasa, na base sa estruktura ng manunulat. Ang Level 111 ay binubuo ng kritikal-makikhaing akto ng sintesis.

4.3 Apat na Antas/Level ng Komprehensyon

Si Villamin, sa isang banda ay naglista ng apat na level o iskim: (1) literal na komprehensyon, (2) interpretativ na komprehensyon, (3) kritikal na analisis, at (4) aplikasyon at paglikha.
Level 1 – Literal na komprehensyon - - ito ang pag-unawa sa mga katotohanan (facts) o ideya na hango ‘extracted’ mula sa ekplisit o hayag na impormasyon sa teksto. Ang katotohanan ay ‘yung mga sagot sa mga tanong na SINO, ANO, KAILAN, SAAN.
Level 2 – Interpretativ na komprehensyon - - ay ang pag-unawa sa mga ideyang hango mula sa implisit na impormasyon sa teksto. Pag-unawa ay inferensyal sapagkat ang mga katotohanan ay hindi hayag, sa halip kailangan ng mambabasa ang “reading between the lines”. Kapag ang tanong na BAKIT ay hindi masasagot ng katotohanan na tuwirang hayag, ang tanong ay masusukat sa interpretatibong komprehensyon.
Level 3 - - Kritikal na analisis - - ikinakapit ito kapag ang komprehensyon ng isang babasahing materyal na sangkot hindi lamang ang mga ideyang tuwirang hayag at ang inferens ay ginagawa sa mga hayag na katotohanan kundi maging paghusga o kongklusyon. Halimbawa ng mga ganitong paghusga ay ang analisis ng mga tauhan sa isang seleksyon o ng estilo ng awtor. Kaya, sangkot sa level na ito ang mga karanasan o ideya na taglay na ng mambabasa karagdagan pa ang kanyang saloobin at istandard.
Level 4 - - Aplikasyon at paglikha - -kadalasang tinatawag na “reading beyond the lines”. Pinagsasama ng mambabasa ang lahat ng natutuhan mula sa seleksyon (integrasyon) at saka gagamitin itong kaalaman sa kaugnay na sitwasyon (aplikasyon). Ang isang mambabasa na mahusay ang imahinasyon ay nakakukuha ng inspirasyon sa seleskyon na kanyang binasa at ginagamit ito bilang kanyang “germ of thought” na nabuo sa isang kuwento o isang tula na sariling likha. O maaaring gusto niyang ibahagi ang karanasan sa iba sa pamamagitan ng pagbasa sa seleksyon gamit ang kanyang tinig at mukha bilang pantulong sa pag-iinterpret ng kuwento. Maaaring magtanghal din siya sa harap ng publiko. Kaya maaaring springboard ang seleksyong binasa para sa bagong aktibidad.

4.4 Taksonomi ni Barrett
Sa paglilista ng espesipikasyon ng layunin ng pagbasa, bumuo si Thomas C. Barrett (Britain) ng taksonomi ng kognitiv at afektiv na aspekto ng komprehensyon sa pagbasa.
Nasa ibaba ang kognitiv na dimension ng komprehensyon sa pagbasa:
4.4.1 Komprehensyong Literal - - fokus ito sa mga ideya at impormasyon na lantarang nakahayag sa seleksyon. Isang payak na task sa literal na komprehensyon sa level na ito ang rekognisyon o pagbabalik-alaala ng isang simpleng katotohan o insidente.
Katangian ng ganitong antas ng pag-unawa ang mga sumusunod:
4.4.1.1 Rekognisyon – may pangangailangan matagpuan o matukoy ng estudyante ang mga ideya o impormasyon na eksplisit na hayag sa teskto mismo. Ang mga gawaing pangrekognisyon o pagkilala ay ang mga sumusunod:
Rekognisyon ng detalye
Rekognisyon ng mga pangunahing ideya
Rekognisyon ng pagkakasunud-sunod
Rekognisyon ng hambingan
Rekognisyon ng relasyong sanhi at bunga
Rekognisyon ng katangian ng tauhan
4.4.1.2 Muling alaala (recall)
Muling alaala ng detalye
Muling alaala ng pagkakasunud-sunod
Muling alaala ng hambingan
Muling alaala ng sanhi at bunga
Muling alaala ng katangian ng tauhan
4.4.2 Reorganisasyon – kailangan ng mambabasa na masuri, makagawa ng sintesis, at/o organisahin ang mga ideya o impormasyon na eksplisit na nakahayag sa babasahin. Maaaring gamitin ng mambabasa ang pangungusap ng awtor nang verbatim o gawan niya ng paraphrasing o isalin ang pahayag ng awtor.
Bahagi ng gawaing reorganisasyon ang mga sumusunod
Pagkaklasipika
Pagbalangkas
Pagbubuo (summarizing)
Paggawa ng sintesis
4.4.3 Komprehensyong inferensyal – lumilitaw ang kasanayang ito kung nagagamit ng mambabasa ang mga ideya at impormasyong nakasaad nang eksplisit sa babasahin, pati ang mga intuisyon at personal na karanasan bilang batayan ng mga haka-haka at hipotesis. Ito ang level ng pag-unawa na nangangailangan ng pag-iisip at imahinasyon na lampas sa limbag na pahina.
Paghinuha ng pantulong na detalye
Paghinuha ng pangunahing ideya
Paghinuha ng pagkakasunud-sunod
Paghinuha ng hambingan
Paghinuha ng relasyong sanhi at bunga
Paghinuha ng katangian ng tauhan
Paghinuha ng mangyayari/resulta
Pag-interpret ng matalinghagang wika
4.4.4 Evalwasyon – paggawa ng paghusgang evalwativ sa pamamagitan ng paghahambing ng mga ideya na nasa limbag na babasahin at eksternal na kraytirya na kaloob ng guro, awtoridad o iba pang nakasulat na hanguan o ang internal na kraytiryang kaloob ng karanaan ng mambabasa, ng kanyang kaalaman o valyu. Ang evalwasyon ay sangkot ang paghusga at fokus sa katangian ng kawastuhan, pagiging katanggap-tanggap at probabilidad na mangyayari ang nasa teksto.
Paghusga sa realidad o pantasya
Paghusga sa katotohanan o opinyon
Paghusga sa kasapatan at validiti
Paghusga sa kaangkupan
Paghusga sa silbi, desirability at katanggap-tanggap
4.4.5 Pagpapahalaga – sangkot sa level na ito ang lahat ng nabanggit na dimensyong kognitiv sa unahan. Nangangailangang ang mambabasa ay maging sensitibong emosyonal at estetik sa seleksyon at makapagbigay siya ng reaksyon sa kabuluhang artistik nito.
Tugong emosyonal sa kontent
Identipikasyon sa mga tauhan o insidente
Reaksyon sa gamit ng wika/estilo ng awtor
Imahen
4.5 Taksonomi ni Bloom
Sa taksonomi ni Bloom, B.S., et al (1956) ay hinahati ang paraan kung paano natututo ang tao sa tatlong domeyn. Ang kognitiv na domeyn ay nagbibigay-diin sa kahihinatnang intelektwal ‘intellectual outcomes’. Hinahati rin ito sa mga kategorya o level.
Level 1: Kaalaman (Knowledge) - - naipakikita ang dating kaalaman sa pamamagitan ng pagbabalik-alaala (recalling) sa katotohanan, termino, basikong konsepto at sagot.
Level 2: Komprehensyon - - pagpapakita ng pag-unawa sa mga katotohanan (facts) at ideya sa pamamagitan ng pagsasaayos (organizing), paghahambing, pagsasalin, interpreting, pagbibigay-deskripsyon, at paglalahad ng pangunahing ideya.
Level 3: Aplikasyon - - paglutas ng problema sa pamamagitan ng pagkapit ng natutuhang kaalaman, katotohanan, teknik at tuntunin sa ibang paraan.
Level 4: Analisis - - pag-eksamen at paghahati-hati sa bahagi ng impormasyon sa pamamagitan ng pagkilala ng motibo o sanhi; paggawa ng hinuha at paghanap ng ebidensya sa suportang paglalahat
Level 5: Sintesis - - pagsasama-sama ng mga impormasyon sa iba’t ibang paraan sa pamamagitan ng pagsasama ng mga elemento sa isang bagong patern o pagsulong ng alternatibong solusyon; paglikha ng bago o orihinal sa paggamit ng nariyan nang elemento
Level 6: Evalwasyon - - paghaharap at pagtatanggol ng mga opinyon sa pamamagitan ng paggawa ng pasya o hatol tungkol sa impormasyon, validiti ng mga ideya o kalidad ng trabaho batay sa isang set ng kraytirya
Nagkaroon ng revisyon ang taksonomi noong kalagitnaan ng 1990 sa pangunguna ng mga orihinal na ka-team din ni Bloom, sina David Krathwok at kasamahan.
Ginamit nila ang mga terminong (1) remembering, (2) understanding, (3) applying, (4) analyzing, (5) evaluating, at (6) creating. Nais kong bigyang pansin ang gamit sa anyong pandiwa sa revisyong listahan.
5. Kongklusyon
Sa pagpapabasa sa mga estudyante natin, hangad ng bawat guro na magtamo ng mataas na antas ng pag-unawa ang mga mambabasa. Kaugnay nito ang pagtatanong sa kanila, ang makapag-isip sila ng higit na matataas ng order ng kognisyon. Sa pagwawakas, nais kong muling ipaalala sa atin ang mga salik na nakakaimpluwensya sa kanilang komprehensyon. Ang teksto kasama ang kontent, estruktura at wika nito, ang kaangkupan ng teksto sa dati nang kaalaman ng mambabasa at ang paghahanguan ng mga tanong natin sa kanila sa pagtsek natin sa komprehensyon nila. Marami tayong nakitang klasipikasyon ng pagtasa ng level ng pag-unawa sa pagbasa. Nasa ating matalinong pagpapasiya kung alin sa mga ito ang ikakapit sa iba’t ibang uri ng pagbasa sa ating klasrum.
Referenses
Bursuck, W.D. and M.Damer. 2007. Reading instruction. For students who are at risk or have disabilities. Boston: Pearson Education, Inc.
Devine, T.G. 1986. Teaching reading comprehension: From theory to practice. Boston: Allyn and Bacon, Inc.
Roldan, A.H. 1993. Improve your reading and comprehension skills. Makati: Bookmark.
Sweet, A.P. and C.E. Snow (ed.) 2003. Rethinking reading comprehension. New York: The Guilford Press.
Villamin, A.M. et al. 1987. Developmental reading. Manila: PhoenixPub. House, Inc.
Zintz, M.V. (2nd ed.). 1975. The reading process: The teacher and the learner. Dubuque, Iowa: WM.C. Brown Company Pub.


Juan Sipag
Go Bon Juan

Sinasabi na si Juan ay tamad
Nguni’t sa mga oras na tulog pa ang alhat,
Sa mga pamilihan, ang nakikita ko’y si Juan
Mga isda at gulay, kanyang pasan-pasan.

Sinasabi na si Juan ay tamad
Nguni’t sa mga oras na trapiko’y umuusad,
Sa harap ng manibela, nakikita ko’y si Juan
Mga tao’y dindala sa opisina’t pagawaan.

Sinsabi na si Juan ay tamad
Nguni’t sa mga oras na gutom na ang lahat,
Nakikita ko si Juan, abala sa paninilbihan
Ibinubuno, walang-katapusang pinggang dapat hugasan.

Sinsabi na si Juan ay tamad
Nguni’t sa mga oras na sa bahay ang lahat,
Nakikita ko si Juan, sa mga amo’y naglilingkod
Nagbibigay ng ginhawa, nag-aalis ng pagod.

Sinsabi na si Juan ay tamad
Ngunit sa mga oras na nahimbing ka kaagad,
Nakikita ko si Juan, mga diyaryo’y inihahanda
Upang bukas ng umaga, maihatid sa madla.

Sinasabi na si Juan ay tamad
Nguni’t sa kanayunan hanggang mga siyudad,
Nakikita ko’y si Juan, sa lahat siya’ng gumagawa
Mula tanghali, hapon, gabi hanggang umaga.

Sinsabi na si Juan ay tamad
Nguni’t ang nagsabi niyan malamang ay bulag,
Sa aking mga nakikita sa maghapon at magdamag
Si Juan ang nagpapakita na lakas na walang-katulad.

Sa alaht kong pagkain at mga kasuotan
Pati sasakyan at bahay na tinitirhan,
Nakikita kong gumagawa’y mga kamay ni Juan
Paano ngayon sasabihin na si Juan ay batugan?

Di dapat sabihin na tamad si Juan
Pagka’t kung wala ang malaking hirap niya’t kasipagan,
Wala sanang pag-unlad itong ating bayan
Lahat tayo’y mabubuhay sa dusa’t kahirapan



Oktubre, 1989
(Salin sa Filipino ni Joaquin Sy,
inilathala sa Tulay ng
Kaisa Para sa Kaunlaran, Manila)


Group 1

Magtanghal ng

pantomina mula
sa tula (Juan Sipag)

Group 2

1. Gawan ng paksang pangungusap ang bawat saknong
2. Buuin ang tesis ng tula



Group 3

Bokabularyo – ibigay ang mga katumbas (synonyms) at kabaligtaran (antonyms) ng mga ss. na salita (ilagay sa semantic grid):

Salita

Synonyms
Antonyms
Gamitin sa Pangungusap
1. tamad
2. pasan-pasan
3. umuusad
4. gutom
5. abala
6. amo
7. nag-aalis
8. nahimbing
9. umaga
10. bulag
11. lakas
12. batugan
13. wala
14. kasipagan
15. mabubuhay




Group 4


Gumawa ng komik strip ng tula

Group 5

Gumawa ng 2 – lebel ng Balangkas ang tula

Group 6

1. Tukuyin sa bawat saknong ang mga ss.

1. pahiwatig
2. konklusyon

2. Igawa ng halaw (paraphrase ang tula)




NARATIBO
1. Nagkukuwento; may tagpuan, tauhan, banghay, tema
2. Naglalarawan, madalas na pag-uulit ng bokabularyo
3. Humihingi ng pagtukoy sa tauhan
4. Kumukuha ng atensyon sa pamamagitan ng banghay at paglalarawan
5. Gumagamit ng isang kuwento o libro

6. Ang mga konsepto ay batay sa karanasan ng mambabasa
7. May detalyadong estilo ng pagsulat
8. Nagdudulot ng pagka-aliw
9. Nagpapahintulot ng may kabilisang pagbasa
10. Naghahatid na kahulugan sa pamamagitan ng mga salita
11. May iba’t ibang antas ng pagkanababasa (readability)


RIA: lzb
University of the Philippines Diliman

EKSPOSITORYO
1. Nagbibigay ng impormasyon
2. Madalang ulitin ang teknikal na bokabularyo
3. Humihingi ng interaksiyon sa nilalaman / paksa
4. Pinananatili ang atensyon sa pamamagitan ng paglalahad at pagkakabuo / organisasyon
5. Gumagamit ng karagdagang materyales at sanggunian / referensya
6. May di pamilyar na abstraktong konsepto na maikling inilalahad at nililinang sa anyong piramide
7. May maikli at tuwiran (terse) na estilo ng pagsulat
8. Naglalahad ng materyal upang mapalawak ang kaalaman at lutasin ang problema
9. Nangangailangan ng higit na mabagal at naiiba-ibang bilis ng pagbasa
10. Malawakang gumagamit ng grapikong tulong (larawan, talahanayan, mapa, tsart, graf)
11. May mataas na antas

Roe, Betty, Barbara Stoodt, & Paul Burns. 1987. The Content Areas. Boston: Houghton Mifflin Co.

Katatasan sa Pagbasa ng mga Lawak Pangnilalaman
(Rosario I. Alonzo, Ph.D.)



Pagkatuto para bumasa
Pagbasa para matuto

Sa primaryang baitang ng mababang paaralan, tinuturuan at natutong magbasa ang mag-aaral samantalng sa intermedya at mataas na paaralan, nagbabasa sila upang matuto. Higit na nagiging mahalaga ang pagbasa sa mga lawak pangnilalaman at ang kaagapay na kasanayan sa pag-aaral (study skills) habang tumataas ang grado ng mag-aaral.
Magkaugnay ang pagbabasa sa lawak pangnilalaman at kasanayan sa pag-aaral dahil kapwa tumutukoy ang dalawang ito sa pagtatamo ng kaalaman mula sa nakasulat na babasahin o materyal. Sa kasalukuyang panahon na tinaguriang panahon ng impormasyon, kailangang unti-unting maging malaya ang mag-aaral para matuto sila sa kanilang sarili. Dahil sa dami ng bagong impormasyon, marami pang ibang babasahin maliban sa teksbuk tulad ng mga djornal at mga artikulo mula sa internet. Kinakailangan kung gayon ang higit na mataas na lebel ng literasi kaysa antas na angkop para makapasa noong mga taong 1960s.


Pagbasa at Kasanayan sa Pag-aaral

May tatlong batayang uri ng kasanayan sa pag-aaral: (1) yaong kaugnay ng paghahanap ng impormasyon sa pamamagitan ng pagbasa, (2) yaong may kinalaman sa pag-unawa at pagtanda ng nilalaman, at (3) yaong kaugnay ng pagbuo ng impormasyong nahanap at nabasa. Kinakailangang matulungan ng guro ng mga asignaturang ang midyum ng pagtuturo ay Filipino ang mga mag-aaral upang kanilang matutunang gamitin ang mga nabanggit sa kasanayan sa pag-aaral. Sa gayon, tataas ang kanilang katatasan at pag-unawa sa pagbasa ng mga paksang pangnilalaman. Higit na epektibo kung maituturo ang mga kasanayan sa pag-aaral sa mga sitwasyong kinakailangang gamitin ang mga ito kaysa ituro nang hiwalay.
Kasanayan sa Pagbasa

Ang pagbasa, sa teknikal na kahulugan nito, ay pag-unawa, ibig sabihin, kung walang pag-unawa, walang naganap na pagbasa.
Anu-ano ang kinakailangan sa matatas / maunawaang pangbasa? Una, pag-unawa sa bokabularyo. Bagama’t nakatutulong ang kasanayan sa pagtukoy ng mga salita (word identification skills) sa pagbigkas, kinakailangang maunawaan ang kahulugan ng salita bago masabing nagkaroon ng maunawaang pagbasa. Ikalawa, kinakailangan ding mahiwatigan ng mambabasa ang pangloob na kaayusan o organisasyon ng binabasa. Dapat maintindihan ang iba’t ibang modelo ng pagsulat na ginagamit upang bigyan kabuuan ang babasahing pangnilalaman at maunawaan ito sa angkop na kognitibong antas.
Ating liwanagin ang nabanggit. Ang unang kinakailangan sa katatasan sa pagbasa ay tumutukoy sa kahulugan ng mga salita. Ang mga babasahin / teksto sa mga lawak na pangnilalaman ay maraming teknikal na salita dahil ang bokabularyo ay nagbibigay ng katawagan para sa mga konsepto ng lawak pangnilalaman. Maaaring magkaroon ng sampu (10) o higit pang bagong salita sa tekstong pangnilalaman. Maaring ang mga salitang ito ay hindi inuulit kaya’t hindi nabibigyan ng pagkakataon ang mag-aaral na mapagtibay ang kanilang pagkaunawa sa mga salitang ito (Rae, Stoodt & Burns, 1987: 202). Bukod sa mga teknikal na salita, isa pang dahilan kung bakit mahirap unawain ang tekstong pangnilalaman ay yaong mga karaniwang salita na nagkakaron ng teknikal na kahulugan sa mga asignaturang pangnilalaman (hal. disiplina).
Ang ikalawang kinakailangan sa mauwaaang pagbasa ay may kaugnayan sa organisayon ng binabasa. Ang pag-unawa sa panloob na kaayusan ng binabasa ay batay sa (1) kasanayang matukoy ang mga pangunahing ideya at susog na detalye at (2) kaalaman sa iba’t ibang modelo ng pagsulat. Ang pag-unawa sa antas ng pangungusap ay mahalaga sa pagtukoy at pang-unawa ng pangunahing ideya at susog o patunay na detalye. Ang mga pangunahing ideya at susog na detalye ay maaring ayusin gamit ang iba’t ibang modelo ng pagsulat na kinabibilangan ng sanhi-bunga, paghahambing – pag-iiba, pagkasunod-sunod ng mga pangyayari ayon sa panahon o pagkasunod-sunod ng mga hakbang, atbp. Higit na maunawaan ng mga mag-aaral ang babasahing pangnilalaman kung kanilang nasunsundan ang tiyak na modelo ng pagsulat at organisasyong ginamit ng awtor. Ang kaalaman sa anumang lawak ng pag-aaral o disiplina ay hindi lamang kulumpon ng detalye. Sa halip, ito ay pag-unawa sa kaugnayan ng mga ideya at konsepto. Gumagamit ang awtor ng organisasyong makro upang matulungan ang bumabasa na maunawaan ang pagkakugnay ng mga kaisipan.

Antas ng Babasahin at Literasing Pangnilalaman

Batay sa panaliksik, may tatlong antas ng babasahin: (1) malayang antas –
yaong nababasa / nauunawaan ng mag-aaral sa kanilang sarili, (2) naituturong antas – yaong nabasa nang may tulong ang guro at (3) antas na pagkabigo (frustration level) – yaong napakahirap na babasahin kaya’t sadyang hindi nauunawaan ng mag-aaral. Ayon kay Herman, dapat maunawaan ng bumabasa ang 75% ng mga ideya at 90% ng bokabularyo ng babasahin sa araling panlipunan upang mabasa niya sa ikalawang antas ang teksto (Roe, Stoodt & Burns, 1987:18). Kaugnay nito, ang mga kasanayan sa pagbasa ay nahahati sa sumusunod:

1. Panimulang Kasanayan

· Kinakailangan para sa simple at hiwalay (discrete) na pagbasa

2. Batayang Kasanayan

· Kinakailangang upang maunawaan ang mga tiyak o magkakaugnay na impormasyon

3. Dalubhasa / Ekspertong Kasanayan

· Kinakailangan sa paghanap, pag-unawa, paglalagom at pagpapaliwanag ng malalim at masalimuot na impormasyon

Higit na mataas na antas ng pagkaunwa at kaalaman sa bokaburlayo ang kinakailangan upang makapagbasa nang matatas sa araling panglipunan at iba pang lawak pangnilalaman. Tulad ng nabanggit sa una, iba ang pagkatuto para bumasa kaysa pangbasa para matuto. Iba’t iba rin ang tinatawag na literasi.
Ang literasing pangnilalaman ay tumutukoy sa kakayahang gamitin ang pagbasa at pagsulat para matutunan ang nilalaman ng isang disiplina / lawak ng pag-aaaral. Ang kakayahang ito ay binubuo ng tatlong pangunahing kognitibong sangkap: (1) pangkalahatang kakayahan sa pagbasa, (2) kakayahan sa pagbasa na nakatuon sa nilalaman (tulad ng pagbasa ng mapa sa araling panglipunan), at (3) dating kaalaman sa lawak pangnilalaman. Mahalagang bigyan-diin na hindi singkahulugan o magkapareho ang kaalamang pangnilalaman (content knowledge) at literasing pangnilalaman (content literacy) para matamo ang kaalamang pangnilalaman dahil maaaring matutunan ang nilalaman nang hindi nagbabasa o nagsusulat, tulad halimbawa sa pamamagitan ng paglalakbay o direktong karanasan. Samantala, ang kaalamang pangnilalaman ay kahingian (prerequisite) ng literasing pangnilalaman. Isa itong siklibong modelo – mas marami ang dating kaalaman, mas nagiging madali ang pagbasa at pagsulat ng mag-aaral at mas naragdagan ang kanyang nalalaman (Ruddell, Mckenna & Robinson, 1996: 239, 244).

Sa literasing pangnilalaman, magkasama ang pagbasa at pagsulat dahil ang dalawang ito ay maihahantulad sa magkabilang mukha ng barya (coin) – may malaking ambag ang bawat isa sa pag-aaral at kognitibong paglago. Ang pagsusulat ay kahustuhan ng pagbasa dahil kung ang materyal na binasa ay sundan ang pagsulat tulad ng paglalagom, sintesis at pagtaya, nagkakaroon ang mag-aaral ng sariling pag-unawa sa paksa at napipino ang kaalamang iyon sa pamamagitan ng pagsulat (Robinson et. al., 1996:239,244). Ang pagbasa at pagsulat ay proseso ng pagbuo kung saan ang impormasyon ay inaayos at isinasama sa kaisipan ng mag-aaral.


Estratehiya sa Pagbasa

Matutulungan ng guro ang mag-aaral sa pamamagitan ng direktang pagtuturo ng sumusunod na estratehiya sa pagbasa:

1. Paglilinaw ng layunin sa pagbasa para matukoy ang uri ng pagbasang dapat gamitin: paghapyaw, reseptibong pagbasa, reaktibong pagbasa, atbp.
Mahirap ang estilo ng pagsulat na ginagamit sa teksbuk at iba pang tekstong pangnilalaman dahil maaari itong maging masinsin/siksik. Bawat salita ay mahalaga kaya’t hindi maaaring lagtawan ng bumabasa kung nais niyang lubos itong maunawaan. Ang pagiging masinsin ng ekpositoryong teksto ay bunga ng pagsasama ng napakaraming ideya at konsepto sa kakaunting linya o espasyo. Ang isang talata sa sibika at kultura ay maaaring tumalakay sa napakahabang panahon ng kasaysayan.

2. Pagkakabuo / Organisayon ng Teksto

Basahin ng dalas-dalas (skim) ang teksto para makita ang pagkakabuo nito, ang mga pamagat ng baha-bahagi, mga talahanayan, mga larawan at iba pang tulong na isinama ng awtor.
Magkagayunman, may mga pagkakataong maaaring hindi matukoy ng mambabasa ang organisasyon ng teksto sa dahilang ang mga artikulo sa araling panlipunan, lalo na yaong naisulat noong nakararaang panahon, ay maaaring patalon –talon at hindi gaanong organisado.

3. Pagbasa para maunawaan ang kahulugan ng teksto

Ang pagbasa para maunawaan ang kahulugan ay kinapapalooban ng pagsasama ng dating kaalaman at impormasyon mula sa teksto. Ang teknikal na katawagan sa dating kaalaman ay iskema (mula kina Anderson & Pearson, Carrell & Eisterhold). May tatlong uri ng iskema:

a. Iskemang Pangnilalaman – sistema ng kaalaman (facts), pagpapahalaga at kumbensyong pangkultura
b. Iskemang Pangwika – bokabularyo, gramatika, estruktura, ispeling at pagbabantas
c. Iskemang Tekswal – retorikal na estruktura ng iba’t ibang teksto tulad ng papel pananaliksik, akademikong babasahin, alamat, resipi.
Konklusyon

Ang pagbasa ng nilalaman ay natatanging paglalapat ng mga kasanayan sa pagbasa sa mga teksto sa mga lawak pangnilalaman. Ang matagumpay na pagbasa ng nilalaman ay binubuo ng pag-unawa sa teknikal na bokabularyo, pang-unawa sa paksa, kasanayan sa pag-aaral (study skills) at pagbasa ng may layunin upang magtamo ng kaalaman. Ang pagtuturo ng pagbasa sa mga lawak pangnilalaman ay bahagi ng pagtuturo ng mga konsepto ng disiplina. Hindi dapat magkahiwalay ang mga ito.


Referensiya

Brinton, Donna et. al. 1989. Content-based second language instruction. New York: Newberry House
Publishers.

Cantoni-Harvey, Gina. 1987. Content-area language instruction. California: Addison-Wesley Pub. Co.

Chamot, Anna Uhl & J. Michael O’Malley. 1994. The Calla Handbook. New York: Addison-Wesley Pub. Co.

Jacobson, Jeanne. 1998. Content area reading: integration with the language arts. Boston: Delmar
Publishers.

Manzo, Anthony & Ula Manzo. 1997. Content-area literacy: (Interactive Teaching for Active Learning).
New Jersey: Merrill-Prentice Hall.

Robinson, Richard D. et. al. 1996. Issues and Trends in Literacy Education. Boston: Allyn & Bacon.

Roe, Betty, Barbara Stoodt, & Paul Bums. 1987 3rd edition. The Content Areas. Boston: Houghton Mifflin
Co.

Spargo, Edward & Raymond Harris,. 1987. Reading the content fields. Rhode Island: Jamestown
Publishers.

ANG MGA YUGTO NG PAGBASA
Pambansang Seminar- Worksyap sa Filipino 2008
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Kawanihan ng Pagpapaunlad ng Kurikulum-Edukasyong Sekondari


Prof. Magdalena O. Jocson
Fakulti, Kagawaran ng Filipino
Kolehiyo ng mga Wika, Linggwistika at Literatura
Pamantasang Normal ng Pilipinas
Maynila


Panimula

Sa pagtuklas ng karunungan, napakahalaga ng magiging tungkulin ng pagbasa sa isang indibidwal upang lumawak ang pananaw at magbukas ng kaalaman upang matuto sa takbo ng buhay sa ginagalawang daigdig ng isang tao.

Hindi mapasusubalian ang kahalagahan ng pagbasa bilang makro ng komunikasyon. Mula sa pagkilala sa mga nakalimbag na simbolo ng isang teksto, pagbibigay ng interpretasyon sa mga kaisipan at mga impormasyong isinasaad sa akda, patungo sa pagiigng mapanuri na hahantong sa pagbibigay ng sariling reaksyon sa mga nakapaloob na kaisipan sa isang teksto hanggang sa pag-uugnay ng mga sariling karanasan sa kaganapan sa tekstong binasa na magtatapos sa pagpapahayag ng mga damdamin o emosyon ayon sa pamamaraan ng may-akda, ang malilinang ng pagbasa sa isang indibidwal.

Ang kakayahan sa pagbasa ay isa sa pinakamahalagang kasanayang dapat matamo ng isang mag-aaral sa mga unang taon pa lamang ng kanyang pag-aaral sa paaralan. Dito nakasalalay ang tagumpay niya at kaunlaran sa hinaharap.

Ang makabagong daigdig ay isang daigdig na nagbabasa. Sa makabagong daigdig ding ito, ang pagabsa ay isang likas na bahagi ng pag-unlad.

Papel na binasa sa Pambansang Seminar-Worksyap sa Filipino na may temang “ Mga Makabagong Kalikasan sa Pagtuturo ng Pagbasa sa Filipino” na ginanap sa Lungsod ng Davao sa pangunguna ng Kagawaran ng Edukasyon sa

pamamagitan ng Kawanihan ng Pagpapaunlad ng Kurikulum-Edukasyong Sekondari noong Pebrero 25-29, 2008.



Yugto ng Pagbasa



Ikaapat na Yugto

Malawakang Pagbasa

(Extensive Reading)
Ikalimang Yugto

Pagpapapino at Pagpapaunlad pa ng mga kasanayang natamo sa pagbasa

Kahandaan sa Pagbasa

Ang yugtong ito sa pagbabasa ay nararanasan ngmga bata sa iba-ibang edad. May mga batang maagang nalilinang ang kahandaan sa pagbasa.

Ilang salik na kailangan sa paglinang ng kahandaan sa pagbasa

Pisikal



Salik na Sosyal at Mental
Emosyonal

Wika Personalidad at
Karanasan

Palatandaan ng Kahandaan sa Pagbasa

Ayon kay Belvez (2002), mahalagang tiyakin muna ang kahandaan sa pagbasa ng mag-aaral bago turuan ito ng pormal na pagbasa. Kahit na anong sipag, sikap at tiyaga ng guro sa pagtuturo na matutong bumasa ang mag-aaral kung hindi naman siya handa sa ay balewala rin.

Naririto ang ilang palatandaan ng batang may kahandaaan sa pagbasa.

1. Nakikita ang pagkakatulad at pagkakaiba ng hugis, anyo at laki.
Halimbawa: iba ang sa

iba ang sa


iba ang sa



2. Nakikilala na iba ang n sa h

b sa d

m sa n

M sa W

O sa Q

R sa B at iba pa.

3. Nakakahawak na ng aklat na wasto at maayos. Marunong magbukas ng aklat at magbuklat ng
mga pahina. Nahahawakan ang dyaryo o magasin nang hindi patuwad o pabaliktad.

4. Nakikita, napapansing mabilis ang pagkukulang ng bahagi ng isang bagay o larawan sa isang
tingin.
Halimbawa: Kulnag ng isang tainga, kamay o paa ang isang bata.

5. Napapangkat-pangkat ang magkakatulad, naibubukod ang naiiba.

Halimbawa:
1. Pinagsasama-sama ang magkakahugis.
2. Nilalagyan ng X o bilog ang bagay na hindi kapangkat.

6. Nakauulit ng buong pangungusap na narinig. Nauulit ang naririnig na pahayag.
7. Naihahagod ang paningin sa larawan o limbag nang mula kaliwa pakanan.
8. Naisasaayon sa wastong pagsunud-sunod ang tatlo hanggang apat na larawan.
9. Nakakapagsalaysay ngpayak na kwento,payak na pangyayari.
10. Nakapag-uugnay ng kawilihan sa aklat, sa pagbuklat ng aklat, pagkilala ng aklat, pagkilala
ng mga larawan at simbolong naroon.


Panimulang Pagbasa

Sa yugtong ito ng pagbasa, naririto ang pagkatuto sa pagkilala sa partikular na simbolo, sa salita, parirala at pangungusap at ang isinasaad na ideya o kaisipan. Dito nakikilala ang salita, ang iba-ibang kombinasyon ng pantig na ang bawat kombinasyon ay nakabubuo ng ibang salita. Gaya ng ba-ta, sa sa-ba, ta-sa, ga-wa, bababa at Bababa ba? Habang unti-unting nakikilala ang mga pantig ay dumarami ang salitang nababasa. Bukod sa iba-ibang kombinasyon ng KP pantig (katinig-patinig) gaya ng ba, be, bi, bo, bu, ka, ke, ki, ko, ku, at iba pa, may ipinakikilala ring paisa-isang salitang sight word gaya ng ang, ay, at. Ito’y upang makabasa rin sila ng parirala at pangungusap gaya halimbawa ng “ Ako ay may aso. Itim ang balahibo.” Gayon din ang ilang salitang lagi na lamang nilang nababasa sa paskilan, sa leybel (label) ng gamit sa silid-aralan, gaya ng silya,mesa, pinto, bintana.
Sa pagbabasa sa aklat, iniingatang kontrolin ang dami ng salitang pag-aaralang basahin sa araw-araw upang hindi makagulo sa isipan at memorya ng mag-aaral.
Ilang mahahalagang bagay na dapat isaalang–alang ng guro sa panimulang pagbasa.

  1. Unti-unting bilang ng salita lamang ang dapat ipasok sa mga araling babasahin.
  2. Ilang paraan ang magagamit sa pagkilala sa bagong salita.
2.1 kombinasyon ng pantig na kilala na
2.2 sa tulong ng larawan
2.3 sa pamamagitan ng konteksto o gamit sa pangungusap
2.4 maaari rin ang configuration cues, bagaman hindi gaanong gamit ito sa Filipino tulad ng Ingles.
  1. Gawing lubhang kawili-wiling Gawain o karanasan ang unang gawain sa pagbasa upang kagiliwan ang pagbabasa. Samakatuwid, ipabasa ang kwento, tula na maikli lamang, kawili-wili at humahamon sa angking kakayahan sa pagbasa.
  2. Sikaping mapalawak ang nababasa at maunawan ang mga salita, parirala at pangungusap.
  3. Magkaroon ng maraming gawaing pasalita at pasulat kaugnay ng binasang aralin.
Maaaring:

5.1 pag-uugnay ng salita sa larawan
5.2 pagbubuo ng bagong salita mula sa dati nang alam na pantig at salita
5.3 pagkuha ng maliliit na salita mula sa mahabang salita
5.4 pagsagot sa tanong tungkol sa binasa
5.5 pagsunod sa panuto
5.6 pagsulat sa nawawalang salita
5.7 pagpili sa angkop na salita
5.8 pagsasadula sa binasang kwento
5.9 pagkukwentong muli
5.10 pagsusunud-sunod sa mga pangyayari
5.11 pagbibigay ng angkop na pamagat
5.12 pagbabago sa wakas ng kwento

Pagpapaunlad ng Kakayahan / Mabilis na Pag-unlad (Expanding Power / Rapid Growth)

Sa yugtong ito, nalilinang ang kasanayan sa mabilis na pagkilala sa salita, parirala at pangungusap at ang mabilis na pag-unawa o komprehensyon sa binasa.
Sa ikakatagumpay ng paglinang ng mabilis na pagbasa nang may pag-unawa at may kawilihan at kasiglahan sa gawain, narito ang ilang dapat isaalang-alang:


1.Simulan ang aralin tuwina sa maayos, angkop at kawili-wiling pagganyak o panggi- sing ng kawilihan.


2. Tiyaking naialis na ang mga balakid sa maayos, angkop at kawili-wiling pagbasa gaya ng pagkilala sa mga bagong salita at iba pang paghawan ng sagabal.






3. Magbigay ng mga tanong pangganyak na siyang sasagutin matapos ang pagbasa.


4. Ang komprehensyon sa binasa ay pag-uugnay ng dati ng alam o prior knowledge at ng hindi pa alam. Iniuugnay ang bagong ideya o impormasyon sa dati ng nakaimbak na kaalaman sa kanilang isipan.










Malawakang Pagbasa (Extensive Reading)

Sa yugtong ito, pinipino at pinauunlad ang pagbasa. Ang pagbasa na isang kasanayang angkin ng mag-aaral ay isang instrumento rin sa pagtuklas ng lalong marami at malawak na impormasyon, mga kaisipan, pagpapakahulugan o interpretasyon.
Sa yugtong ito, patuloy na nalilinang ang iba-ibang kasanayan gaya ng komprehensyon, organisasyon, bokabularyo, interpretasyon gaya ng:

  • pag-aaral at interpretasyon ng talaan, tsart, grap, dayagram atb.



  • kasanayan sa paggamit ng Talaan ng Nilalaman at Indeks


  • kasanayan sa paggamit ng diksyunaryo, ensayklopedya, almanac atb.




Pagpapapino ng Kasanayang Natamo sa Pagbasa

Patuloy na pinipino at pinauunlad ang pagbasa sa yugtong ito. Mula sekondarya hanggang tersyarya nagaganap ang yugtong ito. Dito rin malalaman ng mag-aaral ang ibinubunga ng iba’t ibang kasanayan sa pagbasa sa kanya tulad:

· pagkilala ng salita





· sanay bumasa sa pagitan ng mga linya


· nakapagsusuri ng mga materyal upang makuha ang mga pangunahing kaisipan at layunin sa pagbasa.


· pag-unawa sa salita



· bilis sa pagbasa nang tahimik



· maliwanag na pagbasang pasalita


· natututong gumamit ng grap, tsart, mapa


· marunong gumamit ng aklatan at mga sangguniang aklat
Sa patuloy na pagpapapino at pagpapaunlad ng pagbasa, maaaring gamitin ang pormulang SM3B sa pagbasa.




S

Nangangahulugan ng SARBEY na binubuo ng tatlong gawain.



Balik-gunita sa ating nalalaman kaugnay ng paksang babasahin.

S 2

S 3
Pagkilala sa mensaheng ibig ipahatid ng awtor.
Pagpapasya sa layunin sa pagbasa.

Magtanong; ng mga nais malaman sa teksto
sino, ano, kailan, paano, bakit

B 1




Unang PAGBASA. Simulang basahin ang teksto pagkatapos na mapili ang
pamamaraang angkop sa layunin. Masaklaw bang pagbasa ang gagawin o masinsinang pagbasa? Sagutin na ang mga tanong na ginawa at nais
masagutan sa pagbasa.

B 2

BALIK-BASA. Basahing muli ang teksto upang matiyak kung nakuha ang
Kasa gutan sa mga tanong. Tingnan kung walang nakaligtaang sagot sa tanong.
Tingnan kung walang nakaligtaang sagot sa tanong. Ang pagtiyak at paggunita
sa mga natutuhan ay nakatutulong upang mabasa ang inyong pantanda
o memorya.

B 3

BUOD. Ayusin ang mga ideyang napili upang magamit sa maayos na pag-uulat.
Ang paggawa ng buod sa binasa ay katiyakan na nauunawaaan ang binasa.
Nakatutulong sa paggawa ng buod o lagom ang paggawa ng balangkas ng
binasa.